Bipolar Mania Thoughts: KOMONIKASYON akda ni Mark Mirabuenos

Naranasan mo na ba na mawalan ng pag-ibig ng dahil sa kawalan ng komunikasyon? Saklap no? 

 Wasak lang talaga diba, sa totoo lang mas mahalaga para sakin ang cellphone kesa pera, parang tanong na ano ang mas nauna itlog o manok, walang basagan ng trip. Totoo kayang bumili ng pera ng pag-ibig pero anong klaseng pag-ibig ang makukuha mo, pag ibig din na may time limit pag hindi na nahuhulugan ng token.  Parang bidyuhan sa kanto.

Bakit ba puro pag-ibig ang topic natin ngayon?

Kasi sa totoo lang mas mahalaga ang pag-ibig kesa sa komunikasyon, para ring pera ang komunikasyon, ibinibili ng pagibig, kumbaga isang klase lang ng pera, ibang klase na ginagamit sa pagtawad ng pagibig na mabibili rin sa pamamagitan ng komunikasyon. Nagbabayad ang tao ngayon sa cellphone, internet, at nag aaksaya ng panahon sa kung anu-anong paraan para lang makausap ang mahal sa buhay, makita, marinig, masulatan, maparamdam man lang sa mahal natin na may nag iisip sa kanila sa oras na akala nila ay wala. 

Masaklap nga lang minsan dahil madalas hindi nasusuklian ang mga ibinabayad nating paraan para makipag communicate. Hindi man lang sumasagot ng “hi” ang sinabihan natin ng “hello” o ng “iloveu2” ang sinabihan natin ng “mahal na mahal kita”. Saklap. Pero ang maganda rin ay hindi tayo nauubusan ng ihuhulog na paraan para makakonekta sa iba. Bukas makalawa nakapag charge ka na at handa na ulit magbayad at bumili ng love na napaka mahal.

Kaya siguro sinasabi sa filipino ang “loveyou” na “mahal kita” ang mahal nga grabe... kung mabibili ka lang, pinag ipunan na kita.

Comments