Bakit nga ba tuwang tuwa tayo sa mga laro na paikot ikot lang?
Yoyo, akyat baba, umiikot. Turumpo. Basketball, shoot dito, shoot doon.
Chess, talo puti, talo itim, ulit uli. The world is full of repetition and cycles.
Natutuwa tayo at nalulungkot sa mga ganitong pang yayari, may nauuso may
nalalaos. Napaka saklap. Wasak. Itinago ang mga pag aaway at gera sa loob ng
mga laro, piling piling tao lang ang nakakaintindi nito. Kung bakit mas
maraming babae ang gusto mag laro ng scrabble at bakit mas maraming lalaki ang
gusto maglaro ng chess.
May sikreto sa mga ito na hindi maiintindihan ng normal
na isipan. Nakakatawa pero totoo, akala tuloy ng iba e nababaliw na ang tao na
patuloy na naglalaro kahit matanda na. Kasi ang laro lang daw ay pang bata,
buti pa ang bata, kahit humiga sa sahig ng hospital ayos lang. Minsan napaka
unfair din ng mundo e no, madaming sakit, madaming problema na hindi talaga
natin maiiwasan at gustong mangyari. May matandang namamatay, at may bata rin
na bagong panganak na namamatay din. Ang hirap talagang maunawaan ng Dios.
Napaka mahiwaga, minsan umaabot na sa punto na nagagalit tayo, nag tatanong,
nag rereklamo, kung kasalanan man ito e patawarin sana tayo ng Dios pero parte
na to ng sistema ng pag ikot ng mundo. Pinapanganak at namamatay. Kaya nga
napaka saya mag laro e, kasi hindi natin na iisip na may katapusan ang mundo.
Umiikot tayo sa sistema na iikot lang, babalik din, uulit din sa simula parang
pag aldag ng bola. Pero maski ang bola darating sa punto ng pagsabog, puputok,
masisira, wala na. Masakit. Pero ganoon talaga. Ganoon lang talaga. Napaka
saklap. Kung pwede lang na hindi na sana nag simula sa paglalaro, hindi na sana
sumaya, hindi narin sana nalungkot, sablay.
Napaka mapag laro ng buhay kaya
siguro bawat tao e may laro sa puso. Wag lang sana mag laro ng puso ang
libangan natin, napaka sama. Idadaan ko na lang sa games of the generals ang
katapusan nito. Akala mo ako ang flag? Pero hindi ako... andun siya dadama sa
lamesa mo. Hehe. Dun ako baliw sa laro na yun, pero hindi yun ang laro ko. Ang
laro ko ay...
Comments
Post a Comment