Bipolar Mania Thoughts: Bakit ba?

Buhay pa ako, hindi pa ako patay.
Ang tanong e pag namatay ka e saan ka pupunta?

BAKIT BA?

Ano pakialam mo? ano ang pakialam ko?
Kung ang iba e walang pakialam kung saan ka pupunta.
Ako meron.

Sa langit ang gusto ko. Sa paraiso. Sa mundo na walang sakit at hirap. Isang lugar na perpekto at masaya.
Dahil kasama ang Manlilikha. Oo. Kasama ang Dios na mabuti.

Gusto kitang makasama. Gusto kong sabihin sa'yo ang daan.
Nag iisang daan. Si Jesu Kristo.
Siya lamang ang daan, katotohanan at buhay.
Walang makapupunta sa Ama kung hindi sa pamamagitan N'ya. Si Kristo Hesus.

Hindi ako, hindi sila, hindi tao na nagpapanggap ang makapag liligtas sa mga kasalanan mo.
Wala silang kakayahan para patawarin ka.

WASAK! Madumi, makasalanan! yan tayo.
Pero inako ni Kristo sa krus ang mga kasalanan natin nang Siya ay namatay at muling nabuhay.

Bakit ba?


May halaga ba ito.

Oo.

Nais kong ibahagi sa iyo ang Mabuting Balita na ito.
Kasi hindi ko masabi sa iyo ng harapan.
Alam ko pagtatawanan mo lang ako.
Dahil hindi ka makapaniwala na ako ang magsasabi nito.

Isang lokoloko, yan ang itatawag mo.
Oo, takot ako na mapahiya.
Pero hindi ako titigil sa pag darasal at pananalangin sa iyo.
Na kung paano ko nakilala si Kristo ay magpakilala Siya sa iyo.

Bakit ba?


Mayroon ba itong halaga?

Oo. Dahil mahal ka, binili ka sa isang halaga.
Buhay ang ipinalit Niya.
Para makasama ka.

Huwag mo sanang tanggihan ang pagkatok Niya sa puso mo.
Huwag ka ng mag isip o makiramdam.

Bakit ba?


Buhay ka pa ba? Oo. buhay pa ako, pero tiyak ako na kay Kristo.
Sa langit ang punta ko.

Sana makasama kita...

Comments