Bipolar Mania Thoughts: LENGWAHE akda ni Mark G. Mirabuenos


ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ

Mga letra na bumubuo ng mga Salita, Salot? Saglit? Mga kasinungalingan o katotohanan. Mga ligaw na pag asa na hindi natin makita kita at mahagilap. Sa pagkakasakit ko, meron akong naintindihan na hindi nyo maiintindihan. Nakakaloko ang salita. Totoo nakakaloko, pero ito ang ginagamit natin para magkaintindihan diba? Diba? Naintindihan mo ba? Mabuti naman. Kasi ikaw lang ang makakaintindi nyan. Wala ng iba. Wala. Parang simpleng tuldok na nagtatapos sa mga salita, nagsisimula ng gulo sa mag syota, at umaalis ng pag-asa sa isang lalakeng naghihintay na mag i love you too ang sinabihan nyang matalik na kaibigan. Napaka saklap.

Bakit ba kasi naimbento ang wika, salita, tudlit, mga imahe na nagpapakita lang ng katotohanang may nakakaintindi sayo at meron ding hindi. Tanong? Bakit mataas ang score ng Z o Q sa larong scrabble? Dahil mga letra ito na nagsasaad ng masidhing pagkatalo o pagkapanalo. Sample ng mga salita na mabubuo mo sa Z? Ziper? Zebra? Zero? ZZZZZZZ? Salita ba yun? talagang pang intelehenteng tao lang ang laro na yun kaya di ko yun paborito. Pero ano nga ba ang gusto kong sabihin? Ang gusto ko lang sabihin, walang kwenta ang salita kung walang gawa, sino ba ang gumawa ng salita? Edi yung walang magawa. Kaya gumawa mula sa wala, at yun ay ang kinahuhumalingan ng lahat. Ang salita. Hindi sa marunong ako, pero wala akong magawa e. Pasensya ka. Subukan mo ring gumawa. Malay mo magkasundo tayo. Hindi lang pala ako ang may sakit sa mundong ito kundi tayo. Tama. Tayo. Sayo ko lang masasabi to dahil ikaw lang ang umarok sa sistema ng utak na hinding hindi maipapaliwanag.

Salita at lengwahe na nandyan na bago pa tayo magka ulirat. Nandyan na bago pa tayo matutong mag salita. Isang nilikha na walang makapag sasabi kung saan nag mula. Parang ating hininga na patuloy sa pag ikot. Simulang hindi alam. Alamin ang simula. Paalam.

Comments