Bipolar Mania Thoughts: NUMERO akda ni Mark G. Mirabuenos


Bilang ng bilang, paulit ulit, parami ng parami, hindi mapigilan. 

Isa to sa hindi mapigilan ng mga tao may mga tao nga na ito ang inaral buong buhay. Ang magbilang ng numero. Wala naman tayong magagawa dahil isa to sa parte ng mundo na lohikal. 1 plus 1 equals 2, o 11 sa ibang pilosopong ewan. Maski raw ang computer 0 at 1 lang ang kayang bilangin. Napaka saklap. Saklap.

Hindi natin masisisi ang tao. Kasi maski ang pera natin ay binibilang sa pamamagitan ng numero. Walang katapusan na numero. Infinite ika nga ng ilan. Kabaliktaran naman ito ng pilosopiya, sabi mas mainam na ang wala kesa sa meron. Napaka hirap no? Pero ganoon talaga. Dumadaan lang ang numero, parang pera, bukas nasa kamay mo sa makalawa wala na. Pero kung marunong kang mag bigay e may mag bibigay din sa iyo, kaya nga hindi ka talaga mawawalan kahit walang wala ka.

Ang gulo pero magulo lang talaga.

Kelan ba ako nag sulat ng hindi magulo, nang gugulo lang ako e, nang gugulo lang naman lahat sa mundo.

  Akala natin may halaga ang lahat ng ginagawa natin pero wala. Katulad din tayo ng ibang tao na nagbibilang, bilang ng bilang hanggang sa mawalan na ng hininga. Ang tanong may halaga ba ang lahat ng nagawa natin. Ano ba ang matitira sa mundo? Pera? Kasikatan? Pamilya? Kahit ilang adition ang gamitin mo may kabaliktaran parin itong subtraction. Ang hindi lang natin mabibilang ay ang pag-ibig. Subukan mo itong bilangin ng mabaliw ka kaka dagdag-bawas. Gang maintindihan mo na hindi ito kayang bilangin ng kahit anong numero kundi ng kapwa pag-ibig lang din. Kaya payo ko sa’yo umibig ka na lang kesa magpakasasa sa numero.

Comments