Bipolar Mania Thoughts: ALAALA akda ni Mark G. Mirabuenos


Memorya na nakabaon sa limot pero bumabalik sa alaala. 

Mga pirapirasong idea na hindi na alam kung totoo ba o hindi. Kung saan mo napulot o namana mo na nga lang ba. Ang gulo. Sa tulong ng utak natin, nabuo ang memorya, na nag babalik ng ala ala, nakakalito minsan, mga nakaraan, mga kasalukuyan, o mga hinaharap? Mga malalim na idea. Nasa balon ng kabaliwan. Mga ala ala na kailangan kaya tinatago ng ating isipan. Bibigay na lang bigla, tatawa, iiyak, dahil may naalala na isang pangyayari kahit ating iniiwasan.

May ibang tao mas gustong lumimot kesa umalala ng magagandang pangyayari sa buhay, kung anu ano naman kasi ang naiisip ng tao minsan ang masasayang alaala e nagdudulot ng lungkot at ang lungkot ay nagdudulot ng pag asa na humanap ng totoong saya. 


Hindi natin alam kung anong pakiramdam ang maibibigay ng isang alaala, nakakainis nga dahil mga pangyayari ito na sana ay pwede pang baguhin para lang hindi na tumatak sa isipan. Ang weird din ng proseso ng pagkalimot, kasi kung hindi tayo nakakalimot ay hindi rin tayo makaka alala, ano ano ba ang mga gusto nating limutin? Mga pangyayari na malungkot? Nakakainis? O masasaya? Hindi naman natin kontrolado kung ano ang makakalimutan natin, pati kung ano ang maaalala natin.
Isa itong reaksyon ng utak sa mga bagay bagay na nangyayari. Pang balanse nga ika nila. Saan ngayon matatapos ang artikulong ito? Hindi ko alam, pero ang alam ko na na pepreserba ang alaala, sa larawan at sa panulat.

Comments