Kung matatanggal lang kita sa isip ko
Kung hindi ka na lang sana naging parte ng buhay ko
Kung parehas lang sana ng computer ang utak ko
Isang click erase block report forget
Isa kang lason
Isa kang tinik na hindi maisuka pero tumutusok hanggang sa kaloob-looban ng puso
Unti-unti mo akong winawasak
Sinisira
Umalis ka na
Mawala ka na
Para mabawasan na ang mga ala-ala ko sa'yo
Tumatakbo ka at sumisingit maski sa panaginip ko
Hindi ko alam kung mawawala at mabubura kita ng lubusan
Hindi ko alam...
Paalam
Comments
Post a Comment