Bipolar Mania Thoughts: DENGUE akda ni Mark Mirabuenos


Magkekwento muna ako,

Dalawang beses na akong naging biktima ng sakit na dengue, ng mga mumunting lamok, ang kuya ko naman na si Aaron ay namatay din sa sakit na iyon, july 16, 2008 yon kung hindi ako nagkakamali, ako naman july 16, 2010 nung 2nd time magka dengue. Sa kabutihan naman ng Dios e hindi ako namatay, mabuti parin naman ang Dios maski mamatay tayo e, hindi lang talaga madaling maunawaan. 

      Wala sa kamatayan ang topic ko ngayon, kundi nasa pag galing. Paano makakasurvive sa sakit na Dengue.   


1    1.    Kumain ka kahit wala kang gana. Kasi yun talaga ang gagawin ng mataas na lagnat sa iyo, ang mawalan ka ng gana na kumain at manlata, sa totoo lang lagnat pa lang iyon pero parte na iyon ng virus ng dengue.
2    
      2.       Uminom ng tubig na higit sa iniinom mo. Tandaan na ang lamok na pinanggalingan ng virus mo ay nabubuhay sa stagnant water, ang katawan ng tao ay 70% water daw sabi nila, ang tanong e kung stagnant water ba yun o moving water. Malamang stagnant kasi tinablan ka ng dengue virus na nabubuhay sa stagnant water. Kaya nga ang unang solusyon ng mga doktor e kabitan ka ng dekstrose at painumin ka ng maraming tubig at saka ka oobserbahan ang pagbaba ng platelets mo. Ito ang talagang dengue virus, ang pagbaba ng platelets hanggang sa magdugo ang buo mong katawan. Maniwala ka kasi nakita ko kung paano unti unting magdugo at mamatay ang kuya ko dahil wala ng platelets na nagsasara ng mga daanan ng dugo.
3
      3.       Ingatan ang Atay. Kumain ng malilinis at matitinong pagkain kung gusto mo na manatiling buhay pag sinalinan ka na ng dugo. Sa lebel na ito nagiging kritikal na ang lagay ng isang may dengue, dahil dina kaya ng normal na supply mo ng dugo na mag produce ng tamang bilang ng platelets. Kaso pag sinalinan ka dapat ay may kakayahan din ang katawan mo na salain ang pumasok na dugo at mag produce ng bagong dugo. Ito ang trabaho ng atay. Kung nagkataon na fatty liver ka o mahina ang atay mo, pasensya pero hindi tatanggapin ang dugo na isinalin sa iyo at hindi ka makakapag produce ng bagong dugo. Nagkataon na mahina ang atay ng kuya ko, at iyon din ang inatake ng dengue kaya hindi na siya nabuhay. Kaya ngayon pa lang, alagaan ang atay.

4    4.       Manalangin. Dapat una to, pero dahil sa tao tayo didiskarte muna tayo ng ibang bagay, pero payo ko sa inyo, unahin nyo to. Hindi natin hawak ang buhay, maski simpleng pag dilat ng mata sa umaga e hindi natin kontrol at ang ating pag hinga tanging Dios lang ang may hawak non. Kung hindi ka naniniwala na merong Dios e wag ka na ring maniwala na gagaling ka, dahil Dios din ang nagpahintulot na magkasakit ka, sa umpisa sino ba naman ang gustong mabuhay sa mahirap na mundo na ito. Pero binibigyan tayo ng Dios ng buhay, kaya magpasalamat na lang tayo. Himingi ng tulong. Sabi nga sa oras ng pangangailangan saka lang tayo napapalapit sa Dios. Edi sulitin mo na, at pag natuto ka, kahit mamatay ka e ok lang dahil makakapiling mo na Siya.

5    5.       Bonus na ito, sulitin ang mga dalaw. Madaming nag mamahal sa iyo, hindi mo lang ito nararamdaman pag normal ka, pero pag nakita mo ang dami ng nag mamalasakit sa iyo, daig pa nito ang mga gamot na iniinom mo. Pag-ibig. Hindi ito mabibili ng kahit anong halaga kaya dapat gumaling ka dahil maraming naghihintay sa muling pag bangon mo sa higaan ng karamdaman, muling tumawa at makapaglakad kasama nila, hindi korny ang pamilya at mga kaibigan, sila ang nariyan pag wala ka ng magagawa pa. 

Mabuti ang Dios. Kaya wag matakot sa Dengue, mas matakot ka sa Dios na lumikha nito. Pero sabi nga ng Dios e “wag kang matakot” kasi tao tayo, natatakot, pero wag. Mahirap talaga ang buhay kaya nga umaasa tayo sa Dios na nagbibigay ng buhay, walang iba kundi si Kristo. Ciao.

Comments

  1. Ang galing! Dahil sa simple ng pagkakasulat, naintindihan ko ang Dengue. Thanks.

    ReplyDelete
  2. Sabi na nga e may taga ang angkop na kataga. Marky may blog na rin nga pala ko. Hehe narequire sa eskwela e. Pero kung gusto mo eto ang link http://legalesecaprice.blogspot.com/ hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayos pre salamat. tindi ng blog mo. dugo utak ko pre.

      Delete
  3. Ayos! :D :D :D ice yan! pagpatuloy mo lang insan yan :)))) ayos lahat! :)))) pero natuwa ako dun sa 3,4,5, at sa conclusion mo! ayos! :))

    ReplyDelete

Post a Comment