Bipolar Mania Thoughts: ORAS akda ni Mark G. Mirabuenos


Paikot ikot.

Yan lang ang masasabi ko, buti pa pag na lowbatt ang relo. Humuhinto. Pero ang oras hindi. Umaandar ng umaandar, tumatanda ng tumatanda, tumataba ng tumataba. Hindi mapigilan. Marami ang gustong maglaro ng oras, magpabilis, magpabagal, magsayang, magipon, ang daming pwedeng gawin, sa totoo lang bisyo na ito ng ibat ibang tao.

Sabi nga sa DVD ng CSM ni Pastor Ed Lapiz, “You Shall Not Muder Time” kasi maraming tao sa mundo ang pumapatay ng oras.

Inuubos ang oras sa walang kakwenta kwentang mga bagay, pero ang tanong, alin nga ba ang may kwenta sa mundo? E sabi nga ni Solomon, everything is meaningless, pero sa totoo lang merong may kwenta sa mundo.

Matagal mo ng alam yun e, matagal naring may nag aaksaya ng oras para sayo pero wala kang pakialam. Ginagawa nya lahat para lang mapansin mo, mabuti, masama, aksidente, o tagumpay, lahat pinaranas na nya sayo pero wala kang panahon at oras sa kanya.

Parang may isa kang minamahal na ginawa mo na lahat, binigay mo na pati savings mo pero wala paring pakialam sayo. Ang saklap nun no?

Ganun ka sakit ang ginagawa mo sa bawat panahon na hindi mo siya napapansin e kung tutuusin hinanda nya ang lahat ng daraanan mo. Pati damit na susuutin mo, pagkain na kakainin mo at hangin na ihihinga mo.
Oras nga naman, takot ata lahat sa pag ikot mo, pero ang totoo hinihintay mo lang ang pag hinto ko.

Comments

Post a Comment