Hindi naman talaga ito mapapaliwanag e.
Para kang nakatingin
sa langit na nakikita lang e ulap at malabong kalawakan, hindi makita ang nasa
kabila nito. Minsan nangyayari sa tunay na buhay, minsan mga imposibleng bagay
na hindi naman talaga nangyayari.
Parang gising habang tulog, hindi mo tuloy alam kung ano ang nangyayari, nasaang lugar ka, totoo ba ang ginagawa mo, totoo ba ang mga taong kasama mo. Pag gising mo para kang hindi natulog. Pagod parin.
Sabi nga sa mga artikulong nabasa ko sa panaginip, para raw
may sumasanib sa atin na isang pwersa. Alin nga lang, mula sa mabuti o mula sa
masama, sino nga ba ang nakaaalam? Pag sinabi mong alam mo, malamang mula ka sa
masama kasi ang yabang mo. Hehe joke lang.
Maraming tao ang nag aral tungkol dito, maraming pilosopo
ang nabaliw narin dito, paano nga ba namang hindi ka mababaliw e tulog ka pero
gising, subconcious kumbaga, may kasama pang pag galaw ng mata. Ayos diba? Pero
sino nga ba ang makakapag paliwanag ng eksaktong dahilan kung bakit nangyayari
ang mga di dapat mangyari, o kahit ang mga dapat mangyari, sino ba ang may
kontrol nito? Basta ako ang paniniwala ko. May pwersa sa mundo, sa hindi natin
maiintindihan hanggang nandito tayo, parang isang panaginip ang buhay, pag
namatay saka tayo magigising sa tunay nating kinalalagyan at maiintindihan ang
lahat. At ikekwento kung ano ang pinag gagawa mo sa buhay mo.
Comments
Post a Comment