Bipolar Mania Thoughts: Pag-ibig akda ni Mark Mirabuenos

Bakit ba kailangang umibig?

Sabi nga ng ilan, pinapaikot ng pag-ibig ang mundo. Pero bakit nagdudulot din ito ng hindi pagkakasundo at mga giyera sa paligid. Naisip ko nga, hindi lang sa pulitika may pamilya kundi pati sa pamilya may pulitika. Nasasabi ko ito dahil sa nararanasan ko, may mahal ka pero ayaw naman ng mga magulang mo. Diba parang isang palabas sa makalumang literatura. Hindi natin maiintindihan ang mga bagay bagay pero dahil din sa mga bagay bagay kaya tayo nagkakaintindihan.

Normal ba ang umibig? o nawawala ka sa pagiging normal pag umibig ka? Mainam pa kung wala ka sa katinuan kasi hindi ka masisisi sa mga mali mong magagawa.

Hindi tayo perpekto, kaya tayo nagkakamali, at patuloy na magkakamali kahit pa sabihin na dahil lang naman ito sa pagmamahal.


Siguro biktima lang tayong lahat ng hindi maipaliwanag na sistema ng mundo at wala tayong magagawa kundi sisihin ang sarili natin. Sana lagi na lang masaya at hindi nagkakagulo. Ang sarap siguro ng ganoon. PAYAPA. Na hindi na natin matagpuan sa panahon ngayon. Buti na lang may pangako ang Dios sa atin na pag namatay tayo ay may langit tayong pwedeng puntahan. Sana lang magkita tayong lahat doon. Kasalanan ba natin ang magkasala? E kahit nga ginawa mo na ang pinaka dakila sa lahat e hindi maiwasan na magkagulo parin.

Ano ba ngayon ang gusto kong mangyari? Ang gusto ko lang e sana maranasan ko ang langit dito sa mundo. Yung may totoong pag-ibig, kaligayahan at kapayapaan. Mabuti ang Dios, hindi Nya tayo pababayaan.

Comments

  1. KuYa! Ang lalim ng pinaghuhugatan ha :))))) pero ayos! ice yan! :D

    ReplyDelete

Post a Comment