Pinaka ayaw ko ang pag-alis, pero sa totoo lang, ang pinaka nakakainis ay ang maghintay.
Madami tayong hinihintay na mangyari sa buhay. Hinihintay natin na umuwi sa pamilya, ang makasama ang mga taong mahal mo. Hinihintay nating maluto ang pagkain, na saglit lang e ubos. Hinihintay nating maubos ang oras natin sa mundo, kahit sa totoo e alang gustong maubusan, pero mangyayari. Hinihintay nating lumipas ang oras hanggang sa dumating ang tamang panahon na mangyayari ang ating inaasahan, kung mangyayari man.
Sana ay makita mo ako...
Sana ay makasama kita...
Sana ay hindi masayang ang mga panahon ng paghihintay...
Gaano katagal? Kailan babalik? Makakabalik nga ba? Sana naman... May dahilan pa ba siya para bumalik? Ewan.
Madami tayong hinihintay na mangyari sa buhay. Hinihintay natin na umuwi sa pamilya, ang makasama ang mga taong mahal mo. Hinihintay nating maluto ang pagkain, na saglit lang e ubos. Hinihintay nating maubos ang oras natin sa mundo, kahit sa totoo e alang gustong maubusan, pero mangyayari. Hinihintay nating lumipas ang oras hanggang sa dumating ang tamang panahon na mangyayari ang ating inaasahan, kung mangyayari man.
Pero sa totoo, napaka hirap maghintay. Para kang nakatingin sa ulap at mga bituin at hinihintay mo kung kailan sila titingin sa'yo.
Sana ay makita mo ako...
Sana ay makasama kita...
Sana ay hindi masayang ang mga panahon ng paghihintay...
Comments
Post a Comment