Bipolar Mania Thoughts: Recovery pt.1

Minsan ang hirap ng maghapon ka lang nakatingin sa screen. Screen ng tv, cellphone, computer, tapos wala namang makita. Nauubos ang oras sa wala. Naghihintay sa wala, sa hindi alam kung ano. Minsan gusto naring mawala. Mahirap.

Tingin ko lahat naman dumaranas ng pagbaba o pagtaas ng mood sa buhay. Minsan ok, minsan hindi, minsan ok na ok, minsan lagpak na lagpak.

Pero minsan nasabi ng tatay ko, “sya raw ay nagpapasalamat dahil may buhay sya”. Totoo nga naman. Kahit mahirap, kahit masaya, kahit malungkot e parte parin yun ng buhay.

Diba sabi nga ni haring Solomon sa Bible, wala ng sense pag wala na tayong buhay.

Lahat ng nararanasan natin ay parte ng isang magandang regalo mula sa Dios. Kahit may karamdaman o kalungkutan, meron din namang saya at kalakasan. Mula ito sa Dios at parte ng ating buhay na dapat ipagpasalamat.

Minsan tuloy naiisip ko, ano pa bang plano ng Dios sa buhay ko?


Yan ang aabangan ko.






Comments

Post a Comment