Bipolar Mania Thoughts: PAGPAPALA akda ni Mark G. Mirabuenos



Pagpapala Nya’y bilangin mo, pagpapalang kaloob sa’yo. Bawat pala na nakakamit, kaloob ng Dios pagkat siya’y pag-ibig.


Isa yung kanta, sa ingles, count your blessings.
Paano nga ba pag hindi natin napansin ang mga pagpapala sa atin?
O napapansin ba natin ang mga pagpapala natin?
Sabi nga hanggat hindi nawawala, hindi natin makikita ang halaga.

Dumadaan at hindi natin namamalayan ang mga pagpapala.
Masyado tayong nakatuon sa paghukay ng ginto sa lupa pero hindi natin namamalayan na meron na tayong ginto na pinapadaan natin sa ating buhay araw araw.

Pamilya, hangin, lakas, paningin, pang unawa, katinuan ng isip, katalinuhan, kalikasan, etc...
Minsan mas tinutuunan natin ng pansin ang mga bagay na walang halaga.

Pero paano nga ba natin masasabi na walang halaga ang isang bagay?
Masasabi ko ba na walang halaga ang isang bagay na pinapahalagahan mo pero walang halaga sakin?

Grabe no?


Yung pinapahalagahan natin yun ang consider na pagpapala satin. May limitasyon ang nakikita natin, we can only live for the moment, on a specific time, kaya nga hindi natin alam ang future at nililimot ang nakaraan.

Pero lahat ng ito ay may plano, may plano ang Dios, na lumalang sa atin, na nagmahal satin. Mahal tayo at may buhay tayo. Ang tanong ay paano tayo mabubuhay?

Comments