Bipolar Mania Thoughts: PAGOD akda ni Mark G. Mirabuenos

Minsan parang ang dalidaling sumuko.
Hindi ko alam kung bakit pero nakakapagod.

Nakakapagod makinig, nakakapagod tumayo, nakakapagod maglakad, nakakapagod huminga.
Parang gusto mo na matapos na ang lahat. Sumuko.

Hindi ko alam kung saan nagmumula pero nagkakaroon tayo ng lakas.
Lakas para pakinggan ang paligid, lakas para magpatuloy, lakas para tumibok ang puso.

Madali sa atin ang sumuko at mahirap ang magpatuloy.
Sana lang huwag umabot sa punto na gusto na nating mag patuloy pero hindi na natin kaya.

Ang saya mabuhay, meron lang talagang mga mag papalungkot sa'yo.
Mga pangyayari na hindi natin inaasahan, pero nasusugatan tayo.

Nakakapagod. Huminga. Magpatuloy.

At sana malaman natin ang dahilan kung bakit nagkaganito lahat.

Pahinga Muna Anak.
Baka sakaling bukas sumaya ang lahat.

Comments