Naghahanap tayo ng rason, dahilan,
paliwanag sa mga pangyayari.
Mga sagot sa tanong na “bakit?”
Mag kukwento muna ako.
May kaibigan ako, mabait, walang bisyo,
simple lang ang buhay, walang inaagrabyado.
Pero may sakit siya na nakakamatay.
At hindi nga nagtagal ay namatay siya.
Tinatanong ko, bakit ganun?
Ang dami daming pwedeng mamatay at
magkasakit.
Pero bakit?
Ang dami dami nating naiisip na tanong
Bakit ako single? Yung iba may
lablayp...
Malapit na nga akong magsulat ng
article tungkol sa pagiging single e. (hehe)
Bakit ako may sakit? Bakit ako kulang?
Mga tanong na hindi naman talaga natin masasagot
Kasi kung alam natin ang sagot edi
hindi na tayo nagtanong
Pero naisip ko lang, ok lang naman magtanong
Nakakainis kung hindi natin malaman ang
sagot
Pero may sagot e
Kung tama ang pinagtatanungan natin.
Sino ba ang nagimbento sa tao na mag
tanong
At ang may sagot sa lahat?
At malamang tanong din ang sagot sa
tanong natin
Sample
Tanong: Bakit ako single?
Sagot: Nanliligaw ka ba?
Sagot: ?
Ano ang gusto kong sabihin? Ano ang
dahilan ko kung bakit ko pa to ginawa...
Siguro para sa mga nagtatanong at
walang mahanap na dahilan.
Kasi katulad ko naghahanap ako ng
dahilan.
Nagtatanong ako at naghahanap ng sagot.
Hindi ka nag-iisa.
Comments
Post a Comment