Bipolar Mania Thoughts: Bad Dream

Nakatulog.
Isang eksena sa isang palabas ang aking nakita. G2B.
Hindi ko alam kung saan patungo.
Pero nagulat na lang ako dahil ang eksena nila ay sa bahay namin.
Hanggang napalitan ang mga karakter ng mga taong mahalaga sa akin.
At sa hindi inaasahang eksena sila ay nagwasakan.
Nagalit ako ng hindi ko napigilan.
Lumabas ako sa bahay namin at saka pinag babasag ang mga salamin.
Nagtatakbo ako paikot sa aming munting sabdibisyon.
Madilim pero takbo ako ng takbo.
Nagulantang ang mga tao sa bahay dahil sa ingay na nagawa ng pagkabasag ng bintana.
Kaya lumabas sila at hinanap ako na may kagagawan nito.
Hindi nila alam ay minamatyagan ko ang bawat kilos nila.
Umikot ako sa likod bahay namin.
Nagkataon na may nag siga sa kapit bahay at naka kuha ako ng apoy.
Tinangka kong sunugin ang bahay namin dahil sa matinding galit.
Hanggang sa nakita ako ng nanay ko at kinausap ako.
Kumalma.
Tinawag nila ang aking tito at tita na kumakausap sa akin at nakakaintindi sa mga problema ko.
Nakaupo kami sa tapat ng bahay.
Tanaw ko pa sila sa may bintana.
Mag uusap na kami ng biglang napabuntong hininga ang aking tita.
Nagising.
Panaginip.
Masamang panaginip.

Comments