Bipolar Mania Thoughts: Pag-asa

Minsan ang gusto natin ay hindi natin makukuha.
O madalas. Wasak.
Minsan nagiging sanhi rin ito ng lungkot.
O madalas. Wasak.

Madalas ikaw na ang gumagawa ng mga bagay na tingin mong mabuti pero sa bandang huli ikaw pa ang lalabas na mali. Palpak.

Madaming tao ang hindi naiisip ang kalagayan ng iba. Hindi natin iniisip dahil ang nasa isip natin ay ang sarili nating kabutihan.

Kaya madalas wasak.

Nakakawala ng pag-asa.

Pero kanino nga ba nag mumula ang pag-asa?
Sa tao.
Sa hayop.
Sa kilikasan.
Sa emosyon?

Ang alam ko lang lahat yan pwede kang pasayahin at dalhin sa kabiguan.

Walang perpekto e. Maski sarili natin hindi perpekto.

Lalo lang tayong nakaka gulo sa buhay ng iba.

Lalo tayong tinatangay ng alon patungo sa kawalan ng pag-asa.

Sa lungkot.

Kaya wala na tayong makitang dahilan para mag patuloy.
Tayo na ang nag mahal pero tayo pa ang nasaktan.

Naisip ko na lang bigla ang mga bata sa simbahan namin.
Paano pag nawala ako?
Magkakaroon ng tanong sa isip nila.
Wala ba talagang saysay ang buhay?
Samantalang mabuhay ang tinuturo natin.

Isa lang ang napatunayan ko.

Si Hesus ang buhay at nagbibigay ng dahilan sa atin para magpatuloy.
Magkaroon ng pag-asa. Hindi sa tao pero sa Dios.

Kahit wasak. Tuloy parin. Duguan na pero lumalaban. Dahil may dahilan.

Comments