Bipolar Mania Thoughts: PAGHAHANAP akda ni Mark G. Mirabuenos




Madami tayong hinahanap.
Madami tayong gustong makita.
Pinapangarap.
Minimithi.
Inaasam.


Pero sa kabila ng lahat ng ating paghahalughog sa mga sulok at pagbubukas ng ilaw sa dilim,
darating ba sa punto na hihinto tayo sa paghahanap?

Darating ba ang punto sa buhay natin na magkakatotoo ang salitang kuntento?

Seek and you shall find.
Find and you shall throw away.
Throw away and you shall cry.


Pag naranasan na lang siguro natin na malungkot at masaktan dahil sa mga bagay, tao, pangyayari, na hindi mo na maibabalik. Saka lang nakukuntento.

Madaming aral ang buhay.
Hindi naman kailangan matutunan mong lahat.
Normal lang ang pumalpak.
Basta pag bagsak e makakatayo pa.

Para kang nag swimming sa matigas na lupa.

Comments