Rehab Story

August 31- kaarawan ng isang kaibigan. Naalala ko tuloy ang isang kwento.

Agosto 31, 2010. - Nakalabas ako ng rehab. Mahabang kwento kung paano ako napasok sa isang rehab center sa Therapeutic Community of Hope and Wellness Center Incorporated. #13, Examiner Street, West Triangle, Quezon City. (yan yung center at yung address nila. Hihihi.) sisimulan ko ang istorya.

July 16, 2010 na dengue ako. 2nd dengue ko na yun. Una nung bata pa ako. 10 years old ako nun. Na hospital pero hindi ko naisip na mamamatay ako. Parang ang saya ma hospital. Pero nung naulit ang dengue ko, dun ko naranasan mahirapan at mamaga ang kamay at braso dahil sa dekstrose at pag kuha ng dugo for blood test. Akala ko mamamatay na ako. Pero sa biyaya ng Dios e nabuhay pa. Napakasaya ko dahil hindi ako namatay. Kasi yung kuya ko e namatay dahil sa dengue at sobrang lungkot ko nun.

July 16, 2008 – Namatay ang kuya ko dahil sa severe dengue virus. Inatake ang atay nya kaya hindi na makapag produce at makasala ng dugo para malinis ang dugo nya na binabahayan ng dengue virus. May internal bleeding din na nangyari sa kanya. Napaka vivid ng memories ko tungkol sa pangyayari na iyon, mula ng pasakan siya ng tubo sa ilong hanggang sa hugutin naming ang tubo sa baga nya sa ICU. Makita ang huli nyang paghinga at ang pagputol ng buhay nya. Napaka lungkot.

September 1, 2014 – 4 years na ang nakalipas simula nung ma rehab ako sa sakit na Bipolar Mania o Manic Depression. Isa itong sakit sa utak na nawawalan ng control dahil sa mga nararamdaman o naiisip. Dahil dito nakakagawa ng mga bagay na hindi normal sa kinasanayang pagkatao mo. Parang ibang tao sa loob ng diwa. Naalala ko kung gaano kadaming dumalaw sa hospital at nag alaga sa akin dahil sa dengue, pero nung sa rehab center, wala maski isa kang kilala at kasama. Nakakabaliw. Pero kaya nga ako napasok dun dahil baliw ako. Hehe

Madami akong nagulo, at naperwisyo kaya ipinasok na ako sa rehab. Sigurado madadali ang buhay ko. 

Tatlong bagay ang natutunan ko kung gusto mong makalabas sa isang rehab center at magpatuloy ang buhay sa tunay na mundo.

Una: Sarili – kailangan buo ang loob mo na lumabas sa center at magpatuloy ang buhay kahit may sakit sa utak. Minsan gugustuhin mo ng hindi lumabas dahil ibang mundo na ang nabuo mo sa loob ng center. Pwede kang maging artist, economista, metro aid, basketball star, o kahit anong gusto mo. Walang makikialam sayo. Sabi nga sa libro na Veronica Decides to Die, marami ang nakakapasok sa rehab ang ayaw ng lumabas dahil meron na silang sariling mundo. Dapat malagpasan mo ito. Ihanda ang sarili sa tunay na mundo sa labas ng rehab.

Pangalawa: Doktor – Kailangan sabihin ng doctor na magaling ka na sa iyong karamdaman. Pag hindi sila pumayag sigurado hindi ka makakalabas. Pag hindi ka normal o out of control pag dating sa check up ng doctor. Humanda na hindi makalabas kahit gustuhin mo pa.

Pangatlo: Pamilya – kasundo mo ba ang pamilya mo? O sa kanila ka galit? Tingin mo sino ba ang mag aalalaga sayo pag labas mo ng center? Edi pamilya mo. Pero pag ba dinalaw ka e galit ka sa kanila o ayaw mo silang makita? Malamang kahit sabihin ng doctor at sarili mo na handa ka ng lumabas, sigurado hindi ka parin makakalabas.


Hindi ko ginawa ito para magkaroon ng formula sa pag labas ng rehab, pero para mag bigay ng pag-asa sa mga tao na dumadaan sa pagsubok ng lungkot at pag-iisa. Binigay ng Dios ang buhay, doctor at pamilya para magkaroon tayo ng maayos na buhay. Ginagamit lahat ng ito para magkaroon tayo ng dahilan para mabuhay, gumabay, at maging masaya. Siguro bumalik lang lahat ng ala-ala ko sa mga pangyayari. Sa lahat ng nagulo ko, patawad. Sa lahat ng kumalinga, salamat. Umasa tayo sa Dios na nagbibigay ng habag at biyaya para tayo mabuhay ng may tunay na kasiyahan. God bless.


Comments