Isang Gabing Inisip Kita

Bawat sulat na aking ikakatha ay tungkol sayo

Tungkol sayong singkit na mata

Mapanuksong labi

At nunal na malapit sa nguso

na bumihag sa aking puso

Noong oras na hinawakan mo ang mga kamay ko at sinabi na pwede bang maging tayo

Hanggang dulo

Hanggang sa huli

Hanggang maubos ang mga tala sa kalawakan ay tayo parin

Pero hindi

Hindi ito tungkol satin

Dahil wala naman talagang satin

Walang tayo

Walang tatapos sa istorya natin ng magkasama

Isa ka na lang ala-ala

Ikaw, oo, ikaw

Ang panaginip ko tuwing naiidlip ako

Oo, ikaw

Ang pangarap kong katabi tuwing sasapit ang gabi

Oo, ikaw

Ang nasa isip ko ngayon

Oo, ikaw

Ang gumugulo sa isip ko ngayong gabi

At sana bukas ay ikaw parin

Kahit iba na ang iyong katabi

Iba na ang kasama mo sa habang panahon

Iba na ang tinutukoy mo sa salitang tayo

Ikaw pero hindi ako

Kahit gustuhin ko pa

Na maalala ka

Kahit gustuhin ko

Na ako ang kasama mo

Kahit gusto ko

Kahit gusto kita

Kahit iniisip lang kita

Sa isang gabi

Makatulog ka sana

Ng mahimbing

Kahit iba na ang katabi

Iba na ang kayakap

Iba na ang nasa isip

Ito ang gabi na inisip kita

Inisip kita

Ang singkit mong mga mata

Ang nunal mong malapit sa nguso

Ang parte mo sa aking puso

Inisip kita

Iniisip...






Comments